Isang OFW ang sinaksak ng kaniyang mister hanggang sa ito’y mamatay matapos nitong makauwi sa Pilipinas noong Linggo ng hapon. Si Angela Arevalo, 26-anyos, na nakapagtrabaho na sa Dubai ng dalawang taon, ay umuwi sa kanilang bahay sa Isabela sa Negros Occidental upang kunin ang kaniyang dalawang anak mula sa kaniyang mister na si Arnaiz, 26-anyos, iniulat ng Panay News.
Ayon sa mga pulis, kadarating lamang ni Arevalo mula Kuwait at nagkaroon ng mainit na sagutan sa kaniyang mister. Nanlalaki umano si Arevalo, na naging sanhi ng pananampal ng kaniyang mister sa kaniya.
Kumuha ng kutsilyo si Arnaiz at pinagsasaksak si Arevalo ng ilang beses. Namatay si Arevalo dahil sa rami ng saksak sa kaniyang katawan. Matapos ay nagtago si Arnaiz sa isang plantasiyon ng asukal hanggang pinayuhan siya ng kaniyang mga kamag-anak na sumuko na sa mga pulis.
Noong Martes, isinuko ni Arnaiz ang kaniyang sarili sa municipal police station ng Isabela, Negros Occidental. Siya’y ikinulong at sasampahan na ng kaso.
Original: Migrant worker killed by husband after returning home

Ayun pla eh nanglalaki tsk.. Hahaizt
Anu bang to…dubai ng work c girl..tapos kuwait..????
Actually, Angel is not from Isabela, Negros Occixental. Siya ay residente ng Sitio Baclayan, Brgy.Brgy. Lalagsan, La Castellana. Ang lugar na kung saan nangyari ang krimen ay lugar ng lalaki. Hindi si Angel ang umuwi doon pumunta lang sya para kunin ang kanyang mga anak doon. Hindi naman kasi tama ang pagsalaysay ng ulat na ito. I can speak on behalf of the victim’s family kasi isang barangay kami at sya ay pamangkin ng classmate ko.
Ang gulo ng nagbalita.sabi galing kuwait.tpos sabi natapos mgtrabaho ng dalawang taon sa dubai. At kauuwi lng galing kuwait.anu ba tlga?saan bansa ba tlga yan nggaling?
tama nakapagtrabaho ng dubai
dating nag work sya sa dubai tapos ng 2yrs nag work naman sa kuwait ok na po hahaha
Some OFW kase family future ang reason kaya dumayo pa sa abroad..kalaunan nakakalimutan ang pamilyang iniwan dahil sa tukso..
Tama naman po yung article, sinabi lng na nkapagtrabaho na cya ng dalawang taon sa Dubai bago cya nag Kuwait nitong huli…hindi magulo yung article,
kayo lang ang hndi makaintindi…
Irene Agregado Llorico kawawa naman siya. Namatay sa walang kwentay bagay. Hay buhay
Kakalungkot.
San talaga galing yong OFW na nasaksak, sa Dubai or Kuwait? hay nko ang balita talaga inconsistent!
Nag dubai xa for 2 years ..tapos nag work sa Kuwait na heheh Basa Basa pag my time
Yes Tama ka poh.dati po sa dubai.pangalawa kuwat.pano kc comment agad d MN lng lenawin..
true,basahin mabuti .ibig sabihin frm dubai to kuwait then back to the philippines
intindihin nyo muna kasi ang ulat…komento kayo ng komento..basahin nyo ng maigi…nagkapag trabaho ng Dubai at galing siya ngayon ng kuwait bago umuwi ng pinas..
Nung unang abroad dubai ngaun last o kadarating lang kuwait naman.
Gulo sbi ng work sa dubai tapos krrating lng galing kuwait. Kung magbblita kau ayusin nyo.
Hahah kaya nga parang mali naman tong balita.. galing daw ng dubai tapos sa next paragraph sa kuwait.. eh di wow! Lol
Saan ba talaga? Sa dubai,Ok sa kuwait nanggaling?
My Kuwait my Dubai nagwork???? ano bah tlaga kuya news????