Dubai, United Arab Emirates. Photo: Wikimedia Commons


Isang Sri Lankan ang kinasuhan ng sexual harassment matapos ‘di umano manghipo ng isang Filipina habang pauwi sa kaniyang tahanan sa Al Muraqqabat, Dubai.

Alas-10 ng gabi, ika-17 ng Hulyo, isang Filipina na 28-anyos ang naglalakad pauwi sa kaniyang tahanan galing sa isang botika nang mapansin niyang siya ay sinusundan ng isang lalaki. Nagulat na lamang siya nang hipuan siya nito, iniulat ng Khaleej Times.

Tumawag ang babae ng pulis ngunit mabilis na umalis ang lalaki. Sinundan niya ang lalaki papasok sa isang gusali. Nang pasakay na ang lalaki ng elevator, sinubukan niyang pigilan ito ngunit agad naman siyang sinakal ng lalaki.

“Mabuti na lamang at may isang Arab ang nagmagandang loob na pigilan siya sa pananakit sa akin at tinanong kung ano bang nangyayari”, pahayag ng Filipina.

Habang nakikipag-ugnayan ang Filipina sa mga pulis kung nasaan sila, mabilis na naglaho ang Sri Lankan. Agad naman tinignan ng mga pulis ang mga surveillance camera upang malaman ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Sunod sa mga utos ng pulis, agad naman pinayuhan ng amo ng suspect na sumuko na ito sa mga pulis.

Noong ika-19 ng Hulyo, nagpakita ang suspect sa mga pulis ngunit itinanggi nito ang paratang sa kaniya at idinahilang nagkamali lamang siya dahil inakala niyang isa ito sa kanyang mga kaibigang babae.

Linggo nang kasuhan ng sexual harassment ang Sri Lankan sa Dubai Court of First Instance. Subalit, mariin pa rin niyang itinatanggi ang akusasyon sa kanya ng Filipina.

Nakakulong na ang suspect at hahatulan sa ganap na ika-22 ng Oktubre.

Original: Man charged with groping Filipino woman in Dubai

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.