Filipino Carlos Yulo (second from left) won a gold medal in the 2019 World Cup Gymnastics in Melbourne, Australia. Photo: Facebook (World Cup Gymnastics Melbourne)


Ang isang Pilipinong tin-edyer ay nakakuha ng ginto sa men’s final ng 2019 World Cup Gymnastics championships na ginanap sa Melbourne, Australia.

Noong Sabado, ang 19-anyos na si Carlos Yulo, na nagtapos sa ikatlong puwesto sa qualifying round, ay nakakuha ng 14,566 points sa final para mapanalunan ang gintong medalya, na tinalo ang 25 kakumpitensya mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, iniulat ng Rappler.

Nanalo si Yulo laban kay Hibiki Arayashiki ng Japan, Rayderley Zapata ng Espanya at Dominick Cunningham ng Great Britain, na nagtapos na may 14.500 na puntos. Nanalo si Arayashicki ng silver medal habang si Zapata at Cumwis ay parehong napanalunan ang tanso. Si Yulo ang tanging kakumpitensya mula sa Pilipinas.

Noong Nobyembre 2018, gumawa si Yulo ng kasaysayan para sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagwawagi ng unang medalya ng bansa sa himnastiko sa isang kaganapan sa world championship. Si Yulo, na sa panahong iyon ay ang bunso sa siyam na kakumpitensya, ay nanalo ng tansong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar.

Si Yulo ay ang unang Pilipino at unang lalaking gymnast ng Timog-Silangang Asya upang manalo ng medalya sa world championships. Sa taong ito, siya ay naglalayong makaipon ng maraming puntos hangga’t maaari sa mga kaganapan sa World Cup upang makakuha ng pwesto sa 2020 Tokyo Olympics.

“May mataas na tsansa na makakasali ako sa Olympics kung ibibigay ko ang best ko. Kayang kaya ko ito, “sabi ni Yulo.

Original: Filipino gymnast wins gold in Australia

Leave a comment