A Filipino boy was attacked by a crocodile while swimming in a river in Palawan, Philippines. Photo: iStock


Isang matapang na Pilipino ang nakipaglaban sa isang buwaya upang iligtas ang kanyang 12-taong-gulang na anak na lalaki, na sinalakay habang lumalangoy sa ilog sa Balabac Town sa Palawan, Philippines, noong Lunes.

Si Diego Abulhasan ay lumalangoy kasama ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki malapit sa kanilang tahanan nang salakayin siya ng isang buwaya at hinila siya sa ilalim ng tubig. Narinig ng ama na si Tejada ang pagsigaw ng tulong ng kanyang anak at agad niya itong sinaklolohan, iniulat ng GMA News.

Ang bata ay nakuha sa kanang braso at hinila sa kabilang panig ng ilog. Si Tejada ay may kahoy na tabla at pinaghahagupit ang buwaya, ngunit hindi nito binitawan ang bata. Nakipaglaban si Tejada laban sa buwaya hanggang sa napunta ang pagkagat nito sa binti ng bata hanggang sa tuluyang maalis and mapakawalan nito ang bata.

Iniahon ni Tejada ang kanyang anak sa baybayin at dinala siya sa isang ospital para sa agarang paggamot. Sinabi ni Superintendent Socrates Faltado, tagapagsalita ng pulisya ng Mimaropa, na ang bata ay hindi nakaranas ng malubhang pinsala at nanatili sa ospital ng dalawang gabi.

“Sa kabutihang palad, at dahil sa katapangan ng kanyang ama, ang biktima ay hindi nalunod at nakaranas lamang ng mga sugat mula sa kagat ng buwaya,” sabi ni Faltado.

Original: Father battles crocodile to rescue 12-year-old son

Leave a comment