Dalupiri Island in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons
Dalupiri Island in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons


Pitong Vietnamese na mangingisda ang pinagmumulta limang buwan matapos sila ay mahuli sa pangingisda sa tubig ng Pilipinas. Noong Agosto 17, 2018, ang pitong mangingisda ay naaresto sa Dalupiri Island sa lalawigan ng Calayan ng Philippine Coast Guard, iniulat ng Philippine News Agency.

Ipinaliwanag ng mga ulat na pinatay ng mga tripulante ang kanilang mga ilaw at pinutol ang kanilang mga linya sa pangingisda nang lumapit ang pangkat ng patrolya sa kanila.

Natagpuan ang kanilang vessel na may squid bait at 30 piraso ng asul na marlin at yellowfin tuna.

Noong Enero 7, inutusan ang mga tauhan na magbayad ng multa na 300,000 pesos (US$5,746). Ang kanilang barko ay kinumpiska rin ng gubyerno ng Pilipinas. Ayon sa regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na si Nelson Bien, ang barko ay gagamitin para sa layuning pananaliksik.

Ang kapitan ng barko na si Nguyen Duc Team at ang kanyang crew ay naghihintay na malinis ang kaso ng iba pang ahensya ng gobyerno bago sila makabalik sa Vietnam.

Original: Vietnamese fishermen fined for poaching in Philippine waters