Riyadh, capital of Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons
Riyadh, capital of Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Isang Filipinang domestic worker ang nakaligtas mula sa kanyang mga abusadong amo ngunit na-rape naman ng isang Pakistani Taxi driver sa Riyadh, Saudi Arabia, at malubhang nasugatan sa pag-atake.

Sa post sa Facebook ni Nadzker Hartnett, sinasabing ang 28-taong gulang na Filipina ay dumating sa Riyadh anim na buwan na ang nakakaraan bilang isang domestic worker. Sinasabing inabuso at minamaltrato siya ng kanyang mga employer.

Tumakas siya sa bahay ng kanyang mga amo at kumuha ng taxi papunta sa Philippine Overseas Labor Office. Gayunpaman, habang sya’y nakasakay sa taxi, ang driver ng taxi na isang Pakistan ay pinaghihinalaang ni-raped sya.

Sinabi ng babae sa isang video na inalok siya ng 50 riyal ng drayber, ngunit tinanggihan niya ito. Nang magsimula na siyang magdugo, iniwan na lamang siya ng driver ng taxi at umalis. Sa kabutihang palad, may ilang mga Filipina sa lugar at dinala sila sa isang ospital.

Sa ospital, binigyan siya ng pagsasalin ng dugo at nagkaroon ng dalawang operasyon upang ayusin ang pinsala na ginawa sa panahon ng panggagahasa. Siya ay nasa King Saud Medical City, Maternity Hospital.

Original: Filipina allegedly raped in taxi after fleeing employers

Leave a comment