A stairwell in a Singapore housing block has become popular with couples making out. Photo: iStock.
A stairwell in a Singapore housing block has become popular with couples making out. Photo: iStock.


Mga magkasintahang nagtatalik sa hagdananng isang Housing and Development Board block ng mga flat sa Singapore ay naging regular nang nakikita ng mga residente, na nagreklamo na sa isang lokal na pahayagan.

Nagagalit na ang mga residente ng Woodlands sa Singapore matapos madalas na makakita ng mga magkasintahan – kalimitan ay mga migranteng mga manggagawa at mga domestic worker, pati na rin mga estudyante ng high school – na nagsasagawa ng mga gawaing sekswal sa hagdanan ng isang Housing and Development Board block ng mga flat sa lugar.

Bumisita ang isang reporter mula sa Shin Min Daily News sa lugar at nag-interview ng mga mamamayan na nakatira sa HDB Block 165 sa Woodlands Street 13, na nagsabing lahat sila ay mga nakakita na ng mga malalaswang mga eksena dalawa hanggang sa tatlong beses kada buwan.

Ayon sa isang 54-anyos na lalaki na naninirahan sa malapit sa hagdanan kasama ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, regular nang mayroong mga insidente roon sa nakalipas nang 21 taon.

Sinabi niyang ang pinakamalalang insidente ay noong inihahatid na ng kaniyang asawa ang kanilang anak sa kanilang tahanan at natagpo sila ng isang pang-inject ng heroin sa hagdanan. Natakot sila kaya sila tumawag ng mga pulis.

Ikinuwento rin ng misis ng lalaki sa mga reporter na nakakakita siya ng mga migranteng mga manggagawa at mga domestic worker, pati na ring mga estudyante ng high school, na nagsasagawa ng mga gawaing sekswal sa ikalawang palapag. Madalas ring makikitang nakakalat lamang ang mga gamit nang mga condom.

Noong isang beses pa nga raw, ginambala niya ang isang magkasintahan na nanakbo sa sobrang pagmamadali, naiwan nila ang kanilang mga damit panloob. Ang isa ring maybahay na ininterview ay nakakita rin umano ng isang lalaki na tinanggal na ang kaniyang pantalon upang makipagtalik sa isang banyagang babae.

Simula noong lagyan ng elevator ang lugar noong 2013, hindi na nagamit ang hagdanan, na naging itong tahimik at madilim na lugar para sa mga taong gumagawa ng kababalaghan. Nangako na ang management na magi-install sila ng lighting system na pananatilihing nakabukas nang 24 oras kada araw at 365 na araw kada taon.

Ngunit, kamakailan lamang ay hindi nakabukas ang pailaw, na naging sanhi ng mga mas malalaswang mga gawain. Sinabi na ng mga residente na umaasa silang magsasagawa pa ng mas mainam na solusyon ang management upang matigil na ang mga kababalaghan sa hagdanan.

Original: Sex acts in stairwell leave apartment residents red faced