Staff from both hospitals in Taiwan celebrate Joseph’s birthday. Photo: www.vghtpe.gov.tw
Staff from both hospitals in Taiwan celebrate Joseph’s birthday. Photo: www.vghtpe.gov.tw

Isang dalawang taong gulang na Filipinong batang lalaki na nangangailangan na ng brain surgery simula pa noong siya’y ipinanganak, ay nakatanggap na ng treatment sa Taiwan na makakapagpabilis pa ng kaniyang paggaling.

Si Francis Joseph, na mula sa isang rural na barangay sa Calbayog, anim na oras na biyahe mula sa Manila, ay mayroong encephalocele sa frontoethmoidal region ng kaniyang utak. Ito’y nagiging sanhi ng matinding pamamaga sa may balingusan , malimit na mga epileptic seizure, at developmental delay, iniulat ng United Daily News.

Ang batang may bigat lamang na 7.9 kilos, ay hindi mabuksan ang kaniyang mga mata dahil sa protrusion, na nagiging sanhi rin ng mga problema sa luhaan at masipon at baradong ilong.

Bumisita sa Pilipinas ang isang medical team ng Saint Mary’s Hospital Luodong na mula sa Yilan, Taiwan noong nakaraang taon para sa medical mission. Doon, nadiskubre nila ang kondisyon ni Joseph at pinag-aralan nila ito. Noong Marso, nag-file ng request ang mga magulang ng bata sa team ng advanced surgical treatment.

Matapos mangalap ng pambayad ang mga simbahan sa Taiwan at sa Pilipinas para sa pamilya, nailipad na si Joseph sa Taiwan, kung saan nag-offer na tumulong ang dalawang ospital. Nagsagawa ng sampung oras na operasyon ang Taipei Veterans General Hospital noong September 2, samantalang naghandog naman ang Saint mary’s Hospital Luodong ng post-surgery rehabilitation services ng anim na linggo.

Sa pagdidiwang ng kaarawan ng kaniyang anak noong October 31, ang tatay ni Joseph ay lubos na nagpasalamat na nakahingi na sila ng tulong mula sa isang medical team sa abroad na nakapagbigay sa kanila ng tanging posibleng pag-asa. Kahit na hindi niya maisiwalat ang mga pangalan ng mga Taiwanese na mga medical specialists na ibinigay ang kanilang oras para sa kalusugan ng kanilang anak, lubos siyang nagpapasalamat sa mga ito sa pagsagip sa buhay ng kaniyang anak at pagbibigay sa kaniya ng mabuting kinabukasan.

Original: Filipino boy recovering after brain surgery in Taiwan