Sai Ying Pun on Hong Kong Island. Photo: Google Maps
Sai Ying Pun on Hong Kong Island. Photo: Google Maps

Sinentensiyahan ang isang 48-anyos na Filipinang domestic worker ng siyam na buwan at tatlong linggong pagkakakulong dahil sa pagnanakaw ng mga kagamitang nagkakahalagang HK$211,000 (PHP1.4M) mula sa kaniyang amo at sa pago-overstay sa lungsod ng tatlong taon.

Napatunayang nagkasala si Fedelita R. Sante sa kasong pagnanakaw at pago-overstay sa Eastern Magistrates’ Court noong Lunes, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Dininig ng korte ang nasasakdal, na dumating sa Hong Kong noong Disyembre ng 2013, na tinanggap sa trabaho ni Helene Silvie Viquel, 37-anyos, na nanirahan sa Sum Way Mansions sa Sai Ying Pun sa Hong Kong Island.

Ninakaw ni Sante ang diamond na kwintas ng kaniyang amo na mayroong kasama ring diamond na pendant, isang diamond na singsing at isang iPad Air tablet computer sa pagitan ng January 6 at February 4, 2015, at umalis nang hindi nagpapaalam, at pinutol na ang koneksyon sa kaniyang amo.

Napag-alaman ng mga imbestigador na ang kwintas ay nagkakahalaga ng HK$200,000, ang singsing, HK$5,000, at ang tablet naman ay HK$6,000.

Matapos isumbong sa mga pulis ang pagnanakaw, tiningnan ng mga imbestigador ang mga pawnshops at mayroong isang operator na nagsabi sa kanilang na si Sante, na nagpresenta ng kaniyang Hong Kong ID card, ay nagsanla ng kwintas at isang iPad Air noong January 2015.

Nagtago na si Sante at naaresto noong October 5 sa pago-overstay nang isuko niya ang kaniyang sarili sa mga immigration officer sa Skyline Tower sa Kowloon Bay, iniulat ng sunwebhk.com. Napag-alaman rin ng mga opisyales na nag-imbestiga ng record niya na wanted pala siya sa pagnanakaw.

Nag-plead ang abogado ng nasasakdal para sa mas mababang parusa para sa kaniyang kliyente na nagsasabing mayroon itong apat na mga anak na lalaki edad 18 hanggang 25 sa Pilipinas, ay nangangailangan ng pera dahil naaksidente ang kaniyang ina sa banggaan noong mga araw na ring iyon; dagdag pa niyang naudyok lamang siya ng kaniyang mga kaibigan sa Hong Kong.

Sinabi ni Magistrate Peter Law na mas pinababa niya ng one-third ang mga sentensiya para sa mga guilty plea ng Filipina.

Original: Overstaying Filipina domestic worker jailed for theft