Abu Dhabi, UAE. Photo: iStock
Abu Dhabi, UAE. Photo: iStock

Iniimbestigahan na ang isang domestic worker matapos mapansin ng kaniyang dati sa Abu Dhabi ang isang litrato niya sa Instagram na suot-suot ang mga nawawalang mga alahas mula sa bahay nig kaniyang amo.

Ayon sa amo, ang Asyanong domestic worker, na ang identidad at nasyonalidad ay hindi binanggit ng mga awtoridad ng UAE, at kailan lamang nakauwi sa kaniyang bansa matapos matapos ang kaniyang kontrata, iniulat ng The Filipino Times. Matapos lamang ng ilang mga araw, tumanggap na naman siya ng domestic worker.

Kinalaunan, nadiskubre ng amo na nawawala ang ilang mga ginto, kaya niya inakusahan kagad ang bagong domestic worker ng pagnanakaw. Ngunit, nakita niya ang litratong ipinost ng kaniyang dating domestic sa Instagram account nito.

Sa litrato, kita ang domestic worker na suot-suot ang mga alahas at nagsasabing makipag-ugnayan sa kaniya ang mga nais bumili. Nang makita ito ng amo, agad siyang nagsampa ng reklamo at nagsumite ng ebidensiya sa isang korte sa Abu Dhabi.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang kaso.

Original: Domestic worker allegedly steals jewelry, offers it on Instagram