Binatikos ang amo ng mga tao online sa pagbili ng return ticket para sa kaniyang domestic worker na may kasamang isang 12-oras na paghihintay para sa isang connecting na flight.
Siyam na buwan nang amamasukan ang domestic worker sa kaniyang amo at kamakailan lamang ay nagbitiw na sa trabaho, iniulat ng Sky Post, na nag-cite ng isang post tungkol sa discussion forum ukol sa mga isyu sa gitna ng mga amo at ng mga manggagawa.
Ayon sa Standard Employment Contract, sa araw na matanggal sa trabaho o kaya naman ay mag-expire ang kontrata, kailangang magbigay ng amo ng pamasahe, na kalimitan ay isang air ticket na may kasama nang tax upang makauwi na ito sa kanilang bansa.
Ayon sa amo, pinili niya ang petsa ayon sa ninanais ng domestic worker at bumili ng budget airline ticket na may kasamang 12-oras na paghihintay sa Malaysia ng 12-oras.
Ngunit, hindi sinabi ng amo sa domestic worker ang tungkol sa paghihintay, at pinaplano niyang ibigay ito sa kaniya sa huling araw ng kaniyang pagtatrabaho. Naghahanap siya ng mga payo kung tatanggapin ba ng domestic worker ang ticket o hindi.
Kumalap ang post ng maraming mga puna, na binabatikos ang amo sa pagiging masama sa domestic worker. Ayon kay Chan Tung-fung, ang chairman ng Hong Kong Union of Employment Agencies, sa ilalim ng employment contract, responsibilidad ng amo ang pagbili ng return ticket para sa domestic worker, ngunit hindi kailangan na direct flight.
Sinabi rin ni Chan na hindi kayang tumanggi ng mga domestic worker kapag ibinili sila ng kanilang amo ng transfer ticket, kahit gaanong kahaba pa man ang oras ng paghihintay. Inamin ni Chan na isa hangang sa dalawang mga kaso sa bawat 10 mga nate-terminate na mga kontrata ay may kasamang gulo ukol sa baggage fee sa mga nakaraang mga taon. Bumibili ang mga amo ng mga budget airline ticket nang hindi nagbabayad ng baggage fee.
Ayon kay Joan Tsui Hiu-tung, ang convenor ng Support Group for Hong Kong Employters, maraming mga domestic worker ang mga nangangailangang bumiyahe ng 10 oras patungo sa kanilang mga bahay mula sa airport.
Niri-require ng employment contract ang mga amo na bayaran rin ang pang-araw-araw na pagkain at travelling allowance na nagkakahalaga ng HK$100 (PHP677) kada araw.
Inabisuhan ni Tsui ang amo at ang domestic worker na pag-usapan ang isyu bago pa sila bumili ng kahit anong air ticket at magpirmahan ng official document na nagsasaad ng mga detalye ng ticket.
Original: Employer slammed over 12-hour stopover ticket for worker