Nagreklamo ang isang Singaporean na misis ukol sa isang 25-anyos na Myanmar na domestic worker, na ayon sa kaniyang sinusubukang akitin ang kaniyang mister.
Nagsulat ang isang 34-anyos na babaeng Singaporean, na kailan lamang ay naging isang ina, sa isang lokal na pahayagan at inireklamo tungkol sa kung paano sinubukang akitin ng kaniyang 25-anyos na domestic worker mula s Myanmar ang kaniyang mister sa pag-aalok ng isang mahalay na masahe.
Tinanggap sa trabaho ang domestic worker ng pamilya ng babae noong Hulyo ngayon ring ito habang ipinagbubuntis niya ang una nilang anak, iniulat ng Lianhe Wanbao (Singapore). Noong unang buwan ng kaniyang pagkakatanggap, maayos naman umano itong magtrabaho.
Ngunit, noong ikalawang buwan na at pagkatapos na pagkatapos na ipanganak ng babae ang kaniyang anak na babae noong Agosto, nagbago na umano ito, na ayon sa kaniya, na madalas na itong sumagot at humihiling ng mga particular na brand ng mga shampoo, kape at mga biskwit.
Ayon sa isang CCTV footage, nagsimula na ring magsuot ito ng mga mahahalay na mga kasuotan at nagme-make-up habang ginagawa niya ang kaniyang mga gawaing bahay. Nakita rin siyang nakikipagvideo chat sa mga lalaki sa gabi.
Noong October 11, nag-inarte ang manggagawa at hiniling na ang kaniyang cellphone at ang kaniyang passport at sinabing gusto na niyang umalis matapos siya hindi bilhan ng kaniyang amo ng tsokolateng hiniling niya.
Matapos niyang mapag-alaman mula sa kaniyang mister na tinanggihan niya ang masahe mula sa domestic worker, pinagdesisyonan na ng misis na ibalik na ito sa kaniyang employment agency. Nagbanta naman ang babaeng taga-Myanmar na gumawa ng isang bagay upang pagsisihan ng kaniyang amo ang ginawa niya sa kaniya, na naging sanhi ng pamilya na tumawag ng tulong ng mga pulis.
Nagreklamo rin ang amo na mayroong isang lalaking pumunta sa apartment ng pamilya kinaumagahan at nagtanong ukol sa domestic worker. Kinalaunan ay nadiskubre niyang siya na pala ang ikaapat na amo ng domestic worker sa loob lamang ng wala pang isang taon.
Original: Wife complains about worker offering her husband a massage