Nasagip ang limang Filipinong mangingisda noong Lunes ng mga miyembro ng crew ng isang US cargo ship sa South China Sea. Noong October 3, nasa dagat ang limang lalaki nang lumubog ang bangka nilang sinasakyan dahil nabutas ito ng tusok ng blue marlin na nasa 6-feet ang haba at may bigat na nasa 200 pounds, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.
Nagpapalutang-lutang na lamang ang limang mga mangingisda nang limang araw bago sila masagip. Noong Lunes, ang cargo ship na USNS Wally Schirra ay nagsasagawa ng kanilang karaniwang gawain nang makita nila ang mga mangingisdang nangangailangan ng tulong.
Sinabi ni Keith Sauls, ang kapitan ng barko, na sila’y mabagal na naglalayag nang makita nila ang mga mangingisda. “Iwinawagayway ng mga mangingisda ang kanilang mga kamay at ang kanilang bandera. Nagpapasinag rin sila ng puting ilaw na inakala naming isang fishing buoy. Sinabihan ako ng watch officer, matapos ay ang chief mate ukol sa mga posibleng mga paraan upang sila’y mga mailigtas”, sinabi ni Sauls.
Kinalaunan ay dinala ang mga mangingisda sa Philippine Coast Guard matapos makatanggap ng clearance ang US Navy na pumunta ng Subic Bay sa Pilipinas.
Original: Filipino fishermen stranded at sea rescued by US sailors