Napawalang sala ang Filipinong domestic worker sa pagnanakaw sa West Kowloon Magistrate Court sa Hong Kong matapos akusahan ng pagnanakaw ng Gucci na bag mula sa ina ng kaniyang amo noong Pebrero ng 2017, iniulat ng hongkongnews.com.hk.
Napatunayang hindi nagkasala si Lailany D.T. at ipinilit na inabandona na ng ina ng kaniyang amo ang Gucci na bag.
Tinanong ni Judge Edward Wong Ching-yu ang prosecutor kung maaaring tumestigo ang ina ng amo kung ang bag ba ay talagang ibinigay sa nasasakdal, ngunit hindi ito nagawa ng prosecutor.
Samantala, sinabi ng husgado na ipinahayag ng isang testigo ng prosekyusyon na “hindi inabandona” ng ina ng amo ang bag, ngunit napuna ng mahistrado na hindi nakatira ang testigo sa bahay kung saan nanatili ang matandang babae at ang nasasakdal.
Sinabi ni Judge Wong matapos niyang suriin ang bag, napansin niyang ito’y tatanggihan na lamang talaga’.
Masaya si Leilany sa naging desisiyon ng mahistrado na siya’y ipawalang-sala. Hindi na siya namamasukan sa umakusa sa kaniya, kaya naman ay kailangan na niyang humanap ng ibang amo.
Original: Filipino domestic worker acquitted of stealing Gucci bag
Kahit na itinapon na kasi, dapat tanungin pa rin sa amo kubg talagang tapon na talaha yon. Baka nagkamali lang yung amo sa pagtapon. Mahirap ng maakusahan gaya niyan.
Wag na kasing kukunin o kaya tatangapin ang mga bagay na hindi atin kahit tinapon man o pinamigay mahirap na kaya natin mabuhay ng marangal kahit wala tayong gucci bag
Kung ako bibigyan ng gamit natural tatangapin ko…mali po kayo miss jo formosa…kahangalan ang ayaw tumanggap..
Kung ako bibigyan ng gamit natural tatangapin ko…mali po kayo miss jo formosa…kahangalan ang ayaw tumanggap..