A Filipino student was bitten by a crocodile while he was swimming in a river in Palawan in the Philippines. Photos: Wikimedia Commons, iStock
A Filipino student was bitten by a crocodile while he was swimming in a river in Palawan in the Philippines. Photos: Wikimedia Commons, iStock


Inatake ang isang Filipinong estudyante ng high-school ng 2-metrong habang buwaya matapos niyang lumangoy sa may bungad ng ilog sa Balabac, southern Palawan sa Pilipinas.

Noong Sabado ng umaga, sina Parsi Hulia Diaz, 16-anyos, at ang kaniyang kaibigan na si Ronel Sara, parehong estudyante ng high-school, ay pasakay na sa kanilang bangkang de motor galing sa kanilang paglalangoy nang kagatin ng isang buwaya ang binti ni Parsi, iniulat ng Philippine News Agency.

Kinakaladkad ng buwaya ang binatilyo ngunit nakuha ng kaniyang kaibigan ang isa sa mga sagwan ng kanilang bangka at pinagpapalo niya ang buwaya, na naging sanhi ng pagbitiw nito kay Parsi at paglangoy nito papalayo.

Nagtamo ang binatilyong biktima ng mga sugat sa kaniyang kanang tuhod at sa may baba ng kaniyang pigi. Dinala ang lalaki sa pinakamalapit na health center at ginamot na ang kaniyang mga sugat.

Ayon sa mga pulis, mayroong hindi hihigit sa anim na pag-atake na ang nangyari sa lugar na iyon sa nakalipas na anim na taon. Ang ilan sa mga ito ay namatay dahil sa pag-atake na rin ng buwaya.

Original: Filipino teen attacked by crocodile in Palawan