Inaresto ang isang Canadian na babae at sinampahan ng fraud at pagnanakaw sa higit sa CA$200,000 (o PHP8.2 million) mula sa mga miyembro ng mga Filipino community sa Ontario, Canada.
Sa isang pahayag, sinabi ng Durham Regional Police na si Maria Elaine Doble, 28-anyos, mula sa Oshawa Ontario, ay kinumbinse ang grupo ng mga Filipino na siya’y isang kinatawan ng isang programa na tinatawag na Government Espress Entry Compensation Program, at sinabi sa mga ito na maaari niya silang matulungang mailipat ang kanilang mga kamag-anak mula sa Pilipinas sa Canada.
Nag-send umano si Doble ng mga pekeng mga text message at mga email mula sa mga opisyales ng gobiyerno sa mga biktima, at sinabi sa mga itong iwan na lamang ang pera sa isang mailbox o address. Matapos ang pagbabayad, pinangakuan ang mga biktima ng mga regalo at reimbursement ng kanilang mga binayaran, ngunit hindi sila nakatanggap ng kahit ano.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na naloko ang mga biktima ng higit sa CA$200,000 sa suma total. Kinalaunan ay inaresto nila si Doble, na sinampahan ng reklamong fraud, possession of property obtained by crime at unlawful possession of a counterfeit mark.
Ayon sa World Population Review, noong 2018, mayroong nasa 143,000 na mga Filipino ang nasa Toronto, o 5.1% ng populasyon.
Original: Canadian charged with stealing $150,000 from Filipinos