Tina(babyvietcong@Twitter) Photo courtesy of Twitter.
Tina(babyvietcong@Twitter) Photo courtesy of Twitter.


Ipinakita ng Vietnamese-American na babae kung paano niya naiwasang ma-bully noong siya’y nasa elementarya pa lamang sa Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapanggap nang siya’y nagmula sa isang maharlikang pamilya sa Vietnam.

Lumutang ang istorya sa Twitter nang itweet ni Tina (@babyvietcong) ang litrato niya nang siya’y bata pa, na nakasuot ng pang-maharlikang damit, na ipinaliwanag kung paano niya ito ginamit upang makaiwas sa mga bully sa kanilang paaralan, iniulat ng Asia One.

Sinabi niyang kinukutya siya noong siya’y nasa paaralan ng elementarya dahil kakaiba ang kaniyang itsura at hindi siya masyadong maalam magsila ng wikang Inggles. Ngunit nang sinabi niyang siya’y mula sa isang maharlikang pamilya sa Vietnam, tinigilan na nila siya at sinimulan nang itrato siya nang may respeto.

Nag-viral ang kaniyang tweet, na nakahalina ng 180,500 na likes, 200 na mga comments, at 44,000 na mga retweet. Ang kaniyang mga kababayang mga Asian na mga migrante mula sa China, South Korea at Bangladesh ay ginamit rin ang parehong pamamaraan tulad ng kay Tina. Ini-retweet at ini-upload rin nila ang kanilang mga sariling mga litrato.

Ginamit ang sinabi ni Tina sa isang ulat ng AJ+ na nagsasabing, kung bibigyan pa ng isa pang pagkakataon na maranasan muli ang kaniyang kabataan, hinding hindi siya lilipat sa New Jersey sa edad na pito. Sinabi niyang nakatatawa nga ang kaniyang tweet ngunit ipinakita rin nito na kailangang maghanda ng mga migrante na harapin ang mga parehong lebel ng harassment na kaniyang ininda. Sinabi niyang ang problema ay hindi tungkol sa indibidwal na mga kaso, ngunit ito ay isang resulta ng mga mas malalalim na mga isyu sa lipunan.

Original: Girl posed as Vietnamese princess to avoid US school bullies