A 3.5-meter python stopped traffic in downtown Manila, Philippines. Photo: Facebook
A 3.5-meter python stopped traffic in downtown Manila, Philippines. Photo: Facebook


Tumigil ang traffic sa isang kalsada sa Maynila dahil sa ‘di inaasahang pagpapakita ng isang 3.5-meters na python.

Sa isang video na ini-upload sa Facebook ni Maryann Te, nakita ang python sa kalagitnaan ng rush hour sa harap ng isang terminal ng bus sa Taft Avenue sa Pasay City noong Huwebes, na nakapagpatigil ng traffic at mga nagko-commute.

Kita sa video ang dose-dosenang mga taong pumaligid sa ahas na sinusubukuang hulihin ito at ilagay sa lalagyang karton. Huli rin sa video ang mga nagpa-panic na mga nakakita na nagsisigawan at nagsisitakbuhan palayo sa ahas.

“Mayroong mga taong nagkukumpulan sa isang lugar, kaya sinubukan kong silipin. Tiningnan rin ng mga mananawid at mga driver ang ahas”, sinabi ni Te.

Kinalauna’y nahuli rin ang ahas at nailagay sa isang kahon. Tumawag ang mga pulis ng mga animal handlers at ipinadala ang ahas sa kagubatan. Bihira ang mga pagkakataong makakikita ng mga ganoong kalaking mga ahas sa mga mataong mga lugar tulad ng Maynila.

Original: Python shocks commuters at bus terminal in Manila