The Philippine Department of Health. Photo: Google Maps
The Philippine Department of Health. Photo: Google Maps


Isang mambabatas sa Maynila ang nagpanukalang kailangang sumailalim sa HIV tests ang mga manggagawa dahil sa pagtaas di umano ng mga kaso ng HIV.

Ayon kay Aniceto Bertiz, miyembro ng House of Representatives, mayroong higit 451 na OFW ang may HIV mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, halos 14.4% ang itinaas kumpara sa 394 na kaso sa parehas na anim na buwan noong nakaraang taon, ulat ayon sa Manila Bulletin.

Sinabi ni Bertiz na halos 56,275 na kaso ng HIV ang naiulat mula Enero ng 1984 hanggang Hunyo ngayong taon, 5,889 sa mga ito ay mga OFW. “Halos 10% ay mula sa mga OFW mula sa lahat ng kasong nailathala sa National HIV and AIDS Registry”, ayon kay Bertiz.

Sa 5,889 na mga OFW na may HIV, halos 86% o 5,063 sa mga ito ay kalalakihan na may edad na 32 anyos.

Ayon kay Bertiz, ang Department of Health ay mayroong 60 na treatment hubs sa buong bansa at 33 pasilidad na siyang nangagalaga sa mga pasyente at OFW na maaring nagdadala ng virus na ito.

“Pinapayuhan namin ang lahat ng mga OFW na maaring nasangkot sa high-sexual behavior na sumailalim sa mga pagsusulit para sa HIV” ayon kay Bertiz.

Original: Filipino migrant workers urged to get tested for HIV