Riyadh in Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons
Riyadh in Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Dalawang manggagawa na mula sa Bangladeshi Embassy sa Saudi Arabia ay inakusahan ng pang-aabuso sa mga domestic workers na lumayas mula sa kanilang mga amo at nanatili sa embahada.

Isang Bangladeshing domestic worker, na naging biktima ng pang-aabuso ng kaniyang amo, ay pansamantalang nanatili sa Jeddah, at pinangakuan ng isang nagtatrabaho sa embahada na pakakasalan siya nito, at mas pabibilisin ang kaniyang pagpapauwi patungong Bangladesh kapalit ng mga gawaing sexual, iniulat ng Middle East Eye.

Sinabi ni Shariful Hasan, ang namumuno ng BRAC Migration program, na ang mga domestic worker ay masyadong natatakot na magsalita habang sila’y nasa Saudi Arabia at magreklamo sa embahada dahil nais nilang makauwi sa kanilang bansa.

“Sinabi ng mga abusado sa mga babae na kung nagsagawa sila ng mga gawaing sexual, makakauwi sila sa loob ng isang linggo at kinalauna’y magpapakasal kapag sila’y nasa Bangladesh na”, sinabi ni Hasan.

Noong 2013, isang kaparehong kaso ang nangyari nang ang mga Filipinong manggagawa sa embassy sa Kuwait at Saudi Arabia ay inakusahan ng pagdedemanda ng sex sa mga domestic worker na naging biktima ng pang-aabuso kapalit ng kanilang pagbabayad sa kanilang mga ticket pabalik ng Pilipinas.

Original: Embassy workers accused of abusing workers in Saudi

One reply on “Mga manggagawa sa embassy, inakusahan ng pang-aabuso sa kapwa mga manggagawa sa Saudi”

Comments are closed.