Nakatanggap ng standing ovation ang Filipinong transgender mula sa hurado at mga manonood ng The X Factor UK sa kaniyang pagkanta ng parehong lalaki at babaeng boses ng kanta.
Si Sephy Francisco, 27-anyos, isang manganganta sa mga okasyon mula sa Pilipinas, ay kinanta ang awit na “The Prayer” nina Celine Dion at Andrea Bocelli noong sa ika’tlong linggo ng paligsahan, iniulat ng The Philippine Star.
Sinimulang kantahin ni Francisco ang parte ni Dion sa kanta, at bigla na lamang nagsitayuan ang mga manonood nang kantahin niya ang mas mabababang notang mga parte ni Bocelli. Napabilib niya ang mga hurado at ibinoto siyang magpatuloy na sa susunod na round ng paligsahan.
Hindi ito ang kauna-unahang kinanta ng mang-aawit ang ‘duet’ nang siya lamang mag-isa. Noong Pebrero, lumabas si Francisco sa isang musical game show sa South Korea na I Can See Your Voice at kinanta ang parehong awitin at nakapagpahanga rin ng mga manonood dahil sa dalawang tono ng kaniyang boses.
Isa pang Filipinong mang-aawit ang nag-audition sa The X Factor UK na magpapatuloy rin sa susunod na round. Si Maria “Maureen” Laroco, isang 17-anyos na estudyante, ay lumipad pa patungong Britain mula sa Pilipinas upang makilahok lamang sa paligsahan.

Original: Filipino wows UK talent show singing as both male and female
Read: Filipino transgender woman performs both parts in duet
Read: Filipina teen stuns crowd with Prince song in UK talent show