The Eastern Magistrates' Court on Hong Kong Island. Photo: HK Government
The Eastern Magistrates' Court on Hong Kong Island. Photo: HK Government


Ang Filipinang driver na napatunayang nagkasala sa Eastern Magistrates’ Court ng isang bilang ng pananakit (o “wounding”) ng isang domestic worker ay maaaring makalaya ng kulungan.

Inamin ni Maria Fe HP na sinaktan niya ang kaniyang kababayan sa flat ng kaniyang amo sa Belcher’s sa Shek Tong Tsui sa Hong Kong Island noong Mayo, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Dininig ng korte ang nasasakdal na inireklamo umano ang lugaw na ginawa sa kaniya ng domestic worker, at kinuha ang takip ng kaldero at dalawang beses itong inihataw sa kasambahay.

Wala sa bahay ang kaniyang amo nang mangyari ang insidente. Narinig pa ng isang domestic worker ang kaguluhan, at nagpunta ito sa kusina at sinubukang pakalmahin ang nasasakdal, ngunit ito’y nabigo.

Nagtamo ng mga sugat ang babae sa kaniyang ulo at dinala sa Queen Mary Hospital habang siya’y nagdurugo. Ang krimen na “wounding” ay isang mabigat na kaso, at may kaparusahang tatlong taong pagkakakulong.

Gayunpaman, tumawag ang husgado ng community service report at ng probation prder report upang malaman kung mas pipiliin na lamang ng nagkasala ang mga iyon imbis na makulong, na nililinaw na bukas pa rin naman ang iba pang mga kaparusahan.

Ang mga tsansa ni Maria Fe sa pagsasagawa na lamang ng community service ay ‘di maganda dahil sinisante na siya ng kaniyang amo at ngayo’y naninirahan sa kaniyang pinsan sa Hong Kong. Ini-extend lamang ng Immigration Department ang kaniyang visa dahil lamang sa ‘di pa natatapos na kaso laban sa kaniya.

Matapos ng kaniyang paglilitis, maaaring hindi na tanggapin ng Immigration ang kaniyang kahit anong aplikasiyon para sa bagong trabaho at bagong amo. Ini-adjourn na ni Judge Lau ang kaso sa ika-18 ng Setyembre, habang maaring magpiyansa na lamang si Maria Fe.

Original: Driver who wounded Filipina domestic worker may escape jail