Jurong East, Singapore. Photo: Google Maps
Jurong East, Singapore. Photo: Google Maps


Nagsulat ang 53-anyos na babaeng Singaporean sa isang lokal na pahayagan na nagtatanong kung legal bang magpahiram ang mga remittance firms sa mga domestic worker ng pera upang makapagpadala ng halagang kahit mahirapan nilang mabayaran.

Sinabi ng babaeng nagngangalang Chen sa Shin Min Daily News na ang kaniyang 27-anyos na Filipinang kasambahay, na namasukan na sa kaniya simula pa noong Marso ng 2017, ay kinuha na ang kaniyang 12 araw na taunang pahinga upang makauwi ito sa Pilipinas.

Bago ito magbakasyon, ang Filipina ay lihim na nanghiram ng pera ng ‘di hihigit sa limang mga remittance shops nang hindi nagpaalam sa kaniyang amo.

Napag-alaman na lamang ni Chen ang sitwasyon noong Agosto nang makatanggap siya ng mga tawag mula sa mga nagpautang sa kasambahay na bayaran na umano niya ang mga utang nito.  Ang ibang mga napag-utang ay binisita pa ang bahay ni Chen at pinadalhan pa ito ng mga bills, na naging dahilan ng kaniyang pagsasampa ng reklamo sa mga pulis.

Kinumpronta niya ang manggagawa, na sa una’y itinanggi pa ang mga paratang, ngunit kinalauna’y umamin rin na nangutang siya ng nasa S$6,000 (o higit sa PHP235,000) upang ipangbili ng mga regalo para kaniyang pamilya at dalhin ang mga ito sa isang mamahaling restaurant at hotel noong siya’y umuwi.

Sinabi ni Chen na kahit na pinagsisihan ng kasambahay ang kaniyang mga nagawa at nangakong babayaran niya ang mga ito, ang halaga ng perang inutang niya ay sobrang laki, mahabang panahon ang kaniyang bubunuin upang mabayaran ito.

Pinag-iisipan rin niyang ang manggagawa ay maaaring nabiktima ng kaniyang mga kapwa Filipino na nagtatrabaho sa mga ilegal na mga nagpapautang, na maaaring hinikayat siyang mangutang sa iba’t ibang mga outlet, idinagdag pa ni Chen.

Samantala, binisita ng mga reporter ang isang remittance shop, kung saan ang isang babaeng customer – isang domestic worker sa Singapore – ang nagsabing nagpapahiram ng pera ang establisimento ng aabot sa S$2,000 (o higit sa PHP78,000), kung saan ang kalahati nito ay kailangang mabayaran na sa susunod na apat na buwan, at may kasama pang interes na S$350 (o mahigit sa PHP13,000).

Original: Domestic worker borrows excessively to buy family gifts

32 replies on “Domestic worker, labis na nangutang upang ipangbili ng mga regalo para sa kaniyang pamilya”

Comments are closed.