Nanalo ng PHP1 million (US$18,570) ang dating OFW sa isang telecoms convention na idinaos sa Pilipinas.
Isang lalaking taga-Pangasinan na ‘di pinangalangan, ang nagtrabaho ng halos 10 taon sa ibang bansa upang mabuhay ang kanyang pamilya. Nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas at simulan ang kanyang sariling negosyo, ulat ayon sa Manila Standard.
Nang makauwi na ng Pilipinas ang lalaki, pinayuhan siya ng kaniyang asawa na maging prepaid load retailer dahil may kakilala siyang naging maginhawa ang buhay dahil sa negosyong ito.
Marami na ang pumasok sa ganitong negosyo sa Pilipinas at tinatawag silang “prepaid load” retailers, kung saan madali ang kita dahil pagkatapos maloadan, may bayad agad na matatanggap.
Makalipas ang isang taon ng negosyo ng mag-asawa, napagtanto nila na kaya nitong sustentuhan ang kanilang pamilya, kaya hindi na nangangailangan mag-ibang bansa muli ng dating OFW.
Ang telecommunication company na Smart ay nagdaos ng taunang convention para sa halos higit na 2,000 prepaid load retailers. Dito, ang dating OFW ay sumali sa Ka-Partner raffle draw na may tsansang maguwi ng mga premyong gaya ng pera, mobile phones at motorsiklo. Nanalo ng PHP1 million ang lalaki na halos 11 taon nang nasa pagnenegosyo ng telecoms. Sinabi niyang gagamitin ang napanalunang premyo para sa edukasyon ng kanyang mga anak at para palawakin pa ang sariling negosyo.
Original: Ex-migrant worker wins a million pesos at telecoms convention
Congrats kbayan….