Ang Filipinong dating domestic worker na naging photographer ay naging kabilang sa Asia 21 Young Leaders Class of 2018 ng Asia Society, isang grupo ng mga matagumpay na mga batang mga propesyonal sa kabuuang rehiyon ng Asia Pacific.
Si Xyza Cruz Bacani, na nagpunta sa Hong Kong at namasukan bilang isang domestic worker nang siya’y 18-anyos pa lamang, ay naging isang award-winning na photographer nang nagsimula siyang kumuha ng mga litrato na may temang pagtatrabaho at pandarayuhan, iniulat ng GMA News.
Kabilang si Bacani sa BBC’s 100 Women of the World 2015, 30 Under 30 Women Photographers 2016, at Forbes 30 Under 30 Asia 2016, at isa rin siyang Fujifilm Ambassador.
Maliban kay Bacani, napabilang rin ang dalawa pang mga Filipino sa listahan – sina Jam Acuzar, ang founder ng Bellas Artes Projects, na isang advocacy organization na nagsusulong upang itaguyod ang accessible art sa iba’t ibang mga komunidad, at si Paul Rivera, ang founder ng Kalibrr, na isang recruitment website na tinutulangang makipag-ugnayan ang mga employer sa mga naghahanap ng trabaho.
Ang kanilang nominasyon sa Asia 21 Young Leaders Initiative ay makakapagbigay tulay sa kanila upang makipag-ugnay sa 900 mga maimpluwensyang mga propesyonal na ‘di hihigit sa edad na 40-anyos mula sa 40 bansa upang matulungan silang makagawa ng positibong epekto sa lokal at sa global na mga antas.
Sinabi ni Josette Sheeran, ang president at chief executive officer ng Asia Society, na ang tatlong Filipinong leaders at ang iba pang mga kalahok sa 2018 Class of Asia 21 Young Leaders ay ipinagpapabuti na ang rehiyon gamit ang kanilang mga trabaho.
“Tunay silang mga kahanga-hanga, iba’t iba silang klase ng mga tao, at ang Asia 21 ay nagbibigay ng plataporma para sa mga young leaders na ito, habang paunti-unti nilang hinaharap ang mga mabibigat na suliranin sa rehiyon gamit ang kanilang mga koneksyon”, sinabi ni Sheeran.
Original: Ex-migrant worker among Asia’s top young leaders of 2018