Arestado ang magkasintahang Australiano at Filipina matapos mahuling nagpapatakbo ng isang cybersex den sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas.
Sabado ng umaga nang pasukin ng mga pulis ang isang bahay sa Parc Regenecy Residences sa lungsod ng Pavia. Arestado ang Australianong si John Laffler, 69-anyos at ang Filipinang si Gladys Degala, 21-anyos. Ayon sa mga pulis, nagbebenta ng mga malalaswang litrato ng mga dalagang may edad 13 hanggang 16-anyos ang magkasintahan, ulat ayon sa The Daily Guardian.
Ayon kay Iloilo police director Senior Supt. Marion Tayaba, nadiskubre ng International Justice Mission – isang non-government group, ang operasyon ng magkasintahan matapos nilang magpanggap na mga kliyente upang matiyagan ang mga operasyon ng cybersex den.
“Halos tatlong linggo na ang operasyon ng magkasintahan bago sila mabuliyaso”, pahayag ni Tayaba.
Ayon kay Tayaba, halos PHP5,000 (US$92) ang bayad ng mga kliyente para sa mga litrato at mas mataas naman kung nais ng kliyente mapanuod nang live ang mga dalaga.
Kakasuhan ang mga suspect sa paglabag ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act. Mahaharap din ang mga ito sa paglabag ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, isang batas na may layuning pigilan ang human trafficking, sex tourism, sex slavery at child prostitution.
Original: Australian and Filipina arrested for cybersex racket