HK artist Leila Kong (left) and her Indonesian domestic worker Muji in Java, Indonesia Photo: Facebook, viuTV
HK artist Leila Kong (left) and her Indonesian domestic worker Muji in Java, Indonesia Photo: Facebook, viuTV


Nagkaroon ng mainit na palitan ng mga komentaryo sa social media matapos ilabas ang isang online video na nagpo-promote ng isang palabas sa telebisiyon na ipinakita ang isang artista sa Hong Kong na dumalaw sa bahay ng kaniyang domestic worker sa Indonesia.

Binisita ni Leila Kong, isang Chinese-Indonesian, ang tahanan ni Miji, ang kaniyang domestic worker mula sa Java, Indonesia. Doon, siya ay nakipaghalubilo sa pamilya ni Muji ng mga ilang araw upang maranasan ang buhay sa bahay ng taong nakapaglingkod na sa kaniya ng anim na taon, iniulat ng isang news website na HK01.com.

Sinabi ni Kong, isang single mother na mayroong dalawang anak, na nagbigay na ng napakalaking tulong si Muji sa kaniya at sa kaniyang mga anak. Gayunpaman, habang tinutulungan ng domestic worker si Kong na maalagaan ang kaniyang mga anak sa Hong Kong ng anim na taon, nakapiling lamang niya ang kaniyang anak na si Risky ng wala pa sa 100 araw.

Nang makarating si Kong sa bahay ni Muji, siya’y napaluha na lamang nang makita niya ang bahay na pinaghirapan ng ilang taon nito sa pagtatrabaho sa Hong Kong.

Pumayag si Kong na sumali sa isang programang “Stolen Homelands” ng isang broadcaster na ViuTV, dahil nais pa niyang mas makilala si Muji. Gayunpaman, inamin niyang siya’y mediyo natatakot sa kung ano mang malalaman niya tungkol kay Muji, at baka ma-guilty pa siya sa pagkuha niya sa domestic worker ng mga mahahalagang oras nito na sana’y para sa kaniyang pamilya.

Iba-iba ang mga naging reaksiyon sa social media, at ang mga komento sa video clip ay bigla na lamang naging mainit na diskusiyon.

Sinabi ng isang nagkomentaryo na ang lahat ng overseas workers ay kinakaharap ang kaparehong sitwasiyon, hindi lamang ang mga domestic worker. Ang isa naman ay sinabing ang mga magulang sa Hong Kong ay kinakailangang magtrabaho ng mahabaang mga oras, at bibihira lamang nila makita ang kanilang mga anak.

Ang iba naman ay mas binigyang pansin ang bahay na naipundar ni Muji mula sa kaniyang mga kinita sa Hong Kong, sinasabing kahit na sinakripisiyo niya ang kaniyang oras na para dapat sa kaniyang pamilya, nagawa niyang makapagpagawa ng bahay sa iilang mga taon lamang. Ikinumpara nila ito sa mga tao sa Hong Kong, na hindi kinakayang mabili ang pinakamaliit na flat kahit na magtrabaho sila nang magtrabaho ng animnapung taon.

Ang iba naman ay pinuna ang mga tao na wala raw umano itong mga awa at sa pagkokomentaryo ng mga nakasasakit na mga mensahe. Sinabi nilang ang programa ay nais lamang na ipaalam sa mga manonood ang tungkol sa mga ‘di mapapalitang mga relasiyon na nabubuo sa mga tao, kahit na ano pa mang edad, kasarian o lahi nito.

Ang promotional video sa social media ay nagkaroon ng 4,400 na reactions, 1,100 na shares, at 300 na mga comments

Ang “Stolen Homelands” ay isinagawa ng ViuTV at tatlong mga artista sa Hong Kong at isang pulitiko  ang bibisita sa mga tinitirhan ng kanilang mga domestic worker para sa programa. Ang programa ay nasa wikang Cantonese.

Original: Artist visits domestic worker’s home for TV show