Tatlompu’t apat na mga tao ang inaresto sa hindi pagtayo habang tinutugtog ang pambansang awit ng Pilipinas sa isang sinehan sa Lemery Town, Batangas.
Bago magsimula ang palabas noong Huwebes ng hapon sa isang sinehan sa Xentro Mall, ipinapalabas muna ang pambansang awit. Ayon sa Republic Act 8491, na mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang mga mamamayan ay marapat lamang na tumayo at kantahin ang pambansang awit kapag ito’y tinutugtog sa kahit anong okasiyon, iniulat ng Rappler.
Gayunpaman, nakita sa isang surveillance footage na habang karamihan sa mga tao ay tumayo, ang iba naman ay nanatiling mga nakaupo. Nakita ang ibang nagtetext, samantalang ang iba naman ay kumakain. Matapos tugtugin ang pambansang awit, ang mga nakaupo ay inaresto.
Mayroong kabuuang 34 na mga manonood ang dinala sa Lemery police station, habang inihahanda ang mga kaukulang mga reklamo laban sa kanila.
Sa Pilipinas, ang kaparusahan sa paglabag sa Republic Act 8491 ay pagbabayad ng multa ng PHP5,000 hanggang sa PHP20,000, o hindi hihigit sa isang taong pagkakakulong.
Original: 34 arrested in cinema for not standing during national anthem