Nailigtas ang siyam na Filipinang inalok ng mga ‘di makatotohanang mga trabaho sa Dubai mula sa mga ilegal na recruiter sa Iraq.
Lumipad ang mga babae sa Dubai matapos silang alokin ng trabaho sa social media. Gayunpaman, nang sila’y dumating, sinabihan silang wala silang maaaring pasukang mga trabaho – ngunit mayroong mga job openings sa Iraq, ayon sa ulat ng GMA News.
Sabi ni Foreign Affairs assistant secretary Elmer Cato, ilegal na pumasok ang mga babae sa Iraq dahil wala silang mga visa at isinasagawa pa rin ang deployment ban sa bansa.
Ayon kay Cato, sinabihang magbayad umano ang mga babae ng US$3,000 (o mahigit sa PHP 160,000) upang sila’y makauwi.
Sinagip ng Philippine Embassy ng Baghdad ang mga babae, na naging biktima ng mga ilegal na mga recruiter at mga human traffickers, at inaasikaso na ng mga opisiyal ang pag-uwi sa Pilipinas ng mga babae.
Nakikipag-ugnayan na rin ang embahada sa mga awtoridad sa Pilipinas ukol sa pag-iimbestiga sa mga taong nanloko sa mga Pinay.
Pinaalalahanan na ng Department of Foreign Affairs ang publiko na ang mga taong nais magtrabaho sa abroad ay marapat na mag-apply lamang sa mga recruitment agencies na kinikilala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Original: Nine Filipinas rescued from illegal recruiters in Iraq