Dammam, Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons
Dammam, Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Ang anak na babae ng isang migranteng Filipino na nawala sa Dammam, Saudi Arabia ay nananawagan ng tulong na makita ang kaniyang ina.

Ayon kay Rachelle Cornejo, ang kaniyang ina na si Norma ay namasukan bilang isang domestic worker sa Saudi Arabia noong Hunyo ng taon ring ito, at sila’y huling nag-usap pa noong ika-7 ng Agosto, ayon sa ulat ng The Filipino Times.

Sansala pa ni Cornejo, dahil hindi binabayaran ang kaniyang ina nang sapat at hindi rin ito pinapakain nang ayos ng kaniyang unang amo, nanawagan siya ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO – OWWA) sa Dammam.

Noong huling makipag-usap si Cornejo sa kaniyang ina, sinabi ni Norma sa kaniya na nakikipag-ugnayan na ang kaniyang employment agency sa POLO-OWWA at sumang-ayon nang ilipat siya sa isang Filipinong mag-asawa.

Makalipas lamang ng ilang araw, mayroon umanong kumuha kay Norma na nagsabi sa kaniya na pupunta sila sa agency. Simula noon, wala nang nabalitaan si Cornejo sa kaniyang ina, na hindi na rin nakikipag-ugnayan sa kahit sinong miyembro ng kanilang pamilya.

Sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang malaman kung saan na naparoroon si Norma at makikipag-ugnayan sila sa employment agency nito tungkol sa sitwasyon.

Original: Daughter of maid missing in Saudi Arabia seeks help