Dubai. Photo: Wikimedia Commons
Dubai. Photo: Wikimedia Commons


Sinentensiyahan na sa Dubai ang dalawang lalaking Pakistani ng isang taong pagkakakulong sa panloloko sa lalaking Filipino na nawalan sa kaniyang account ng 33,000 dirhams o mahigit sa PHP440,000.

Nangyari ang insidente noong ika-14 ng Enero. Nakatanggap ang lalaking Filipino ng tawag sa isang lalaking nagtrabaho umano ng phone service at nagsabing nanalo ang Pinoy ng 500,000 dirhams o PHP6.675 M. Hiningan ang lalaki ng kaniyang personal information, kasama na ang kaniyang bank account details, ayon sa ulat ng Khaleej Times.

Ng malaunan ay nadiskubre ng Filipinong tinangayan na siya ng 33,000 dirhams sa kaniyang account at nalaman niyang siya na pala’y nabiktima ng scammer. Inaresto na ang dalawang lalaking Pakistani, edad 32 at 35, matapos niyang isumbong sa pulisya ng Bur Dubai ang nangyari.

Inamin ng dalawang lalaki ang kanilang panloloko sa iba pang mga tao at ang paggamit sa mga perang nakalap nila upang bumili ng mga gamit online upang ibenta muli ang mga ito.

Noong Biyernes, dininig ng Court of First Instance ang dalawang lalaki na ginamit ang Emirates ID card na pagmamaya-ari ng isa nilang kababayan upang ipadeliver ang mga produkto sa courier. Ginaya nila ang lagda ng orihinal na may-ari ng card sa mga resibo ng courier.

Sinentensiyahan ang dalawang lalaki ng isang taong pagkakakulong sa mga reklamong paggamit ng authentic identification document ng isang tao, impersonating a public employee, forgery, paggamit ng mga forged document, at fraud.

Original: Pakistanis jailed one year for defrauding Filipino in Dubai