Nasentensiyahan ang isang Amerikanong lalaki ng 34 na taong pagkakakulong matapos siyang mapatunayang nagkasala sa pagpatay ng kaniyang Filipino-American na nobya sa Las Vegas.
Noong ika-3 ng Agosto noong nakaraang taon, natagpuang patay si Makayla Rhiner, 21-anyos, ng kaniyang bagong nobyo at ng kaniyang ina sa garahe ng kaniyang apartment sa 8000 block ng West Russel Road, malapit sa Buffalo Drive, iniulat ng Las Vegas media. Naaresto na si Brandon Hanson, ang dating nobyo ni Rhiner, noong nakaraang linggo sa pananaksak umano nito kay Rhiner hanggang ito’y mamatay.
Kamakailan lamang ay sinampahan na siya ng murder with the use of deadly weapon, burlary, at robbery. Akusado din siyang nanira ng sasakyan ng bagong nobyo ni Rhiner at ng ina nito. Bago mangyari ang krimen, nagsama sila ni Rhiner ng tatlong buwan habang pumapasok sa College of Southern Nevada. Naghiwalay sila noong Hunyo ng 2017.
In-stalk ni Hanson si Rhiner, sinira ang kaniyang kotse, at pinasok ang bahay nito nang may dalang kutsilyo, sabi ni Judge Douglas Herndon.
Ipinaliwanag ng abogado ni Hanson na mayroong severe depression ang lalaki at siya’y kumilos lamang dahil sa epekto ng antidepressant medication. Iginiit naman ng mga prosecutor na ang pagpatay ay malinaw na pinlano. Sabi nilang nagbanta si Hanson na magpakamatay kung iiwan ito ni Rhiner at may pagkakataon pang sinabi niya rito, bagamat hindi totoo, na mayroon siyang cancer upang hindi lamang siya nito iwan.
Noong ika-15 ng Hunyo ng taon ring ito, napatunayan nang nagkasala si Hanson, ulat ng Fox5Vegas. Noong ika-7 ng Agosto, nasentensiyahan na siya ng 34 na taong pagkakakulong.
Original: Man gets 34 years for killing Filipino-American ex-girlfriend