Manama, capital of Bahrain. Photo: Wikimedia Commons, Wadiia
Manama, capital of Bahrain. Photo: Wikimedia Commons, Wadiia


Ang mga paratang ng isang Filipinang kasambahay na nagsabing siya’y pinutulan umano ng kaniyang amo ng maseselan na bahagi ng kaniyang katawan ay napatanuyang walang katotohanan.

Ayon sa Philippine Embassy sa Bahrain noong Sabado, hindi nakitaan ng sugat o galos ang ari ng kasambahay noong sumailalim siya sa pagsusuring medikal sa St. Luke Medical Center sa Quezon City.

“Kinumpirma ng doktor na normal at walang nakitang sugat o galos sa suso ng kasambahay o saan mang malapit na parte nito”, ayon sa embahada.

Sa isang video sa ini-upload sa Facebook, sinabi ng kasambahay na pinutol ng kaniyang amo ang kaniyang mga utong, at hindi pa siya pinapasweldo nang maayos nang limang taon. Sinabi rin niyang pilit siyang pinatutulog sa isang kwartong puno ng mga hayop.

Ayon sa Philippine Embassy, datapwa’t hindi napatunayan ang mga alegasyon ng kasambahay, nakitaan ito ng mga simtomas ng posibleng pang-aabuso noong siya’y sumailalim sa pagsusuri.

“Kinumpirma ng isang psychiatric specialist na ang Filipina ay nakararanas lamang ng Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD), ang sanhi o pinagmulan nito ay hindi pa sigurado hanggang ngayon”, ayon sa embahada.

Kinumpirma ng embahada na ang Filipina ay hindi binabayaran nang maayos sapagkat ang tangi niya lamang natatanggap ay 90 Bahraini dinar o mahigit sa PHP12,000 kada buwan simula nang siya ay dumating sa Bahrain. Ang tamang sweldo ng kasambahay sa Bahrain ay hindi marapat bababa sa 150 dinar o mahigit sa PHP21,000. Ayon sa video na ini-upload ng kasambahay, limang taon na siyang namamasukan sa kaniyang mga amo.

Original: Maid has PTSD and was not mutilated, says embassy

Read: Maid, unpaid for 5 years, mutilated by employer in Bahrain