Arestado ang isang janitor matapos nakawin ang bag ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Manila, sa Pilipinas noong ika-28 ng Hulyo.
Dinampot ni Rocky Catapang ang naiwan na bag sa NAIA Terminal 1 Departure Area. Ang bag na mayroong lamang cellphone, mga damit at mga dokumento, ay pagmamay-ari ng isang babaeng Chinese national, ayon sa ulat ng Philippine News Agency.
Ini-report ng pasahero na nawawala ang kaniyang bag sa Manila International Airport Authority (MIAA). Sabi ni Erick Mejia, ang officer-in-charge ng MIAA Intelligence and Investigation Division, na nasundan kamo nila si Catapang gamit ang mga security footage sa paligid ng lugar.
Inaresto si Catapang at sa una ay itinanggi nito ang bintang sa kanyang pagnanakaw ng bag. Ibinalik niya raw umano ito sa isa pang pasaherong nagsabing nagmamay-ari ng bag. Ngunit sa huli, inamin rin ni Catapang ang pagnanakaw, at itinapon pa niya umano ang mga damit na nasa loob nito. Inamin rin niyang inangkin at ginamit niya ang cellphone na laman ng bag.
Ayon kay Mejia, natanggal na sa trabaho si Catapang sa Philcare Janitorial Services at hindi pa napag-aalaman kung magsasampa ba ng kaso ang Chinese national laban sa kaniya.
Original: Airport janitor arrested for stealing bag in Manila
Get well soon kbayan…dapat bitayin yan mga hayop na rapist