Wellington, New Zealand. Photo: Wikimedia Commons
Wellington, New Zealand. Photo: Wikimedia Commons


Inanunsiyo ng gobyerno ng Pilipinas na sinusuri na nila ang isang pag-aaral na nagsasabing itinatrato ng walang respeto ang mga Filipinong construction workers sa New Zealand.

Noong Martes, sinabi ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy ng Wellington sa mga trade union sa New Zealand at Migrante Aotearoa, isang organisasyon ng mga Filipinong migrante, upang maaksyonan na ang mga reklamo ng mga OFW sa bansa.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng New Zealand trade union na E Tū, napag-alamang ang mga Filipino sa Auckland at Christchurch ay nakararanas ng diskriminasyon at hindi itinatrato nang maayos. Ayon rin kay Catriona Maclennan, ang nagsagawa ng pag-aaral, binabayaran lamang ang mga Filipinong nasa industriya ng construction ng nasa NZ$19 (o PHP675) kada oras, habang ang mga lokal na mga manggagawa sa bansa ay binabayaran ng umaabot sa NZ$35 (o PHP1,244) kada oras.

Sinabi ni Jesus Gary Domingo, ang Philippine Ambassador para sa New Zealand, na nakipag-ugnayan na ang Embassy sa Ministry of Foreign Affairs at sa iba pang may kaugnayang mga agency sa New Zealand na suriin ang mga mahahalagang mga usapin tungkol sa pagtanggap sa trabaho ng mga migrante, mga karapatan ng mga manggagawa at ang makatarungang pagtatrato sa mga manggagawa sa bansa.

Pinaalalahanan ni Domingo ang mga Filipinong naghahanap ng mga trabaho na nagbabalak na mag-apply sa New Zealand na siguraduhing ang mga job offer ay tunay at ‘di makapanlinlang.

Ayon sa gobyerno ng New Zealand, noong 2013, humigit na sa 40,000 na mga Filipino ang nananatili roon, at binubuo nito ang isang porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa

Original: Govt looking into exploitation of Filipinos in New Zealand