Australia has cut the number of its citizens who are allowed to return to the country. Photo: Wikimedia Commons


Isang Filipino migrant worker ang namatay matapos tumalon palabas ng kotse habang ito’y tumatakbo sa Australya noong nakaraang linggo at humihingi ang kanyang pamilya ng mga kasagutan ukol sa pangyayari.

Si Jerwin Royupa, 21, ay nagtatrabaho sa isang organic farm sa Australya noong Pebrero. Gayunpaman, pagkaraan ng hindi bababa sa isang buwan, nakakaranas si Royupa ng kahirapan sa pagtatrabaho at kinuha ng kanyang employer ang kanyang pasaporte, iniulat ng ABS-CBN News.

Ayon sa kapatid ni Royupa, si Jamaica Royupa-Buraga, ang kanyang kapatid ay labis na nagtatrabaho at gumagawa ng 10 oras sa isang araw. Sinabi ni Buraga na ang kanyang pamilya ay nakatanggap ng balita na si Royupa ay naospital noong Marso 14.

Sinabi ni Buraga na ipinaalam sa kanila ng employer na  naaksidente si Royupa at tumalon sa kotse habang ito’y umaandar. Si Royupa ay nagkaroon ng internal bleeding sa kanyang ulo at dibdib. Noong Marso 15, namatay si Royupa dahil sa kanyang mga pinsala.

Si Royupa ay nagbabalak na bumalik sa Pilipinas ngayong buwan. Ang kanyang pamilya ay nag-aalinlangan kung siya ay nagpakamatay at pinaghihinalaang may foul play sa kanyang kamatayan. sinabi ng isa sa kanyang mga kapatid sa isang post sa Facebook na hindi nakuha ni Royupa ang kanyang suweldo sa loob ng isang buwan.

Tinitignan na ng kapulisan ang kamatayan ni Royupa at hindi pa mapapauwi ang kanyang mga labi habang ang pagsisiyasat ay patuloy pang isinasagawa.

Original: Filipino dies after jumping from car in Australia

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now. 

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *