The domestic worker urged other cancer patients to fight on and not give up. Photo: iStock


Ibinahagi ng isang domestic worker sa Hong Kong ang kanyang karanasan sa paglaban sa kanser sa social media sa isang bid upang magbigay ng pag-asa at lakas para sa iba pang mga manggagawa na nakakaranas sa mga katulad na problema.

Ang cancer fighter na si Lyn, na walang asawa at walang mga anak, ay naka-recover isang taon pagkatapos sumailalim sa operasyon at chemotherapy upang gamutin ang kanyang kanser na Stage 3 sa kanyang bahay-bata, iniulat ng sunwebhk.com.

Ginamit ni Lyn ang Facebook bilang isang plataporma upang isulat ang tungkol sa kanyang pakikibaka laban sa kanser at ang depresyon na kanyang nadama habang malayo sa kanyang mga mahal sa buhay. Siya ay na-diagnose na may sakit noong Enero ng nakaraang taon at pagkatapos ay nanatili sa isang ospital ng dalawang buwan bago sumailalim sa limang oras na operasyon bandang katapusan ng Pebrero upang alisin ang kanyang matris.

Ang kanyang operasyon ay matagumpay, ngunit ang depresyon ay hindi maiiwasan dahil wala siyang mahihingahan o makakausap man lang. Nag-post siya ng isang video na nagpapakita na sya ay nasa isang hospital bed, walang buhok, mahina at learful. Naisip niya na kung sya ay mamamatay, “Hindi na ako makikita ng aking mga mahal sa buhay na humihinga at buhay pa.”

Sinabi niya na kalooban ng Diyos na hindi siya nahihimatay sa tuwing siya ay dumadanas ng sakit dahil nanalangin siya para sa kanyang kagalingan. Kumuha din si Lyn ng lakas ng loob habang nakipaglaban sa kanyang sakit mula sa isang matandang lokal na babae na nagbahagi ng ward sa kanya. Sinabi niya na araw araw ay nakakaharap nila ang kanilang mga pakikibaka sa sakit na magkasama.

Matapos mapalabas mula sa ospital, bumalik siya sa apartment ng kanyang employer at ipinagpatuloy ang kanyang pang-araw-araw na gawain sa kabila ng kanyang kahinaan. Sinabi ni Lyn na nagpapasalamat siya at ipinagmamalaki niya ang kanyang mga employer dahil naiintindihan nila ang kanyang sitwasyon at hindi pinauwi ng kanyang tahanan upang patuloy niyang makuha ang paggamot na kailangan niya sa ospital.

Dahan-dahang bumabawi si Lyn ngayon. Hinimok niya ang ibang mga domestic worker na na-diagnosed na may kanser na lumaban at huwag sumuko. “Kaya, para sa lahat ng mga lumalaban sa sakit na cancer, PLEASE, PLEASE, PLEASE, huwag kayong sumuko, manatiling malakas at positibo,” sinabi niya.

Original: Cancer survivor urges Filipinos to fight on

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *