Isang Pakistani security guard ang nasentensiyahan ng tatlong buwan sa bilangguan noong Disyembre 24 dahil sa pagtatangkang panggagahasa sa isang Pilipina malapit sa kanyang apartment sa Dubai.
Sinabi ng Filipina na pauwi siya sa kanyang apartment sa Dubai Investment Park isang gabi nang ginamit ng lalaking Pakistani ang kanyang kard upang buksan ang pinto ng gusali at tulungan siya. Inalok din sya ng pakistani na dalhin ang kanyang mga shopping bag sa kanyang apartment ngunit tumanggi siya rito, iniulat ng Gulf News.
Sumunod ang lalaki sa Filipina sa elevator at parehong umakyat sa ikaapat na palapag. Nang buksan ang pinto, hiniling ng guwardiya sa pinay na sumama sa kanya, ngunit tumanggi ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanyang apartment.
Hinabol ng lalaki ang babae at hinila papunta sa kanya. Sinubukan niyang ibaba ang pantalon ng babae, ngunit nabigo dahil masyadong masikip ang pantalon nito. Minolestiya nia ang pinay ngunit nagawa nitong itulak ang lalaki at tumakbo sa kanyang apartment, kung saan siya’y tumawag sa pulisya at kinalauna’y inaresto ang pakistani.
Sa Dubai Court of First Instance, ang lalaki ay nag-plea ng Not-guilty at tinanggihan ang mga akusasyon. Gayunman, sinentensiyahan siya ng hukuman ng tatlong buwan sa bilangguan na sinundan ng deportasyon. Sinabi ng mga rekord ng korte na ang mga bakas ng similya na natagpuan sa mga damit ng Filipina ay tumutugma sa suspek.
Original: Security guard jailed for attempting to rape Filipina