Ang mga domestic worker sa Hong Kong na ang mga pasaporte ay kinuha ng pulisya sa mga pagsalakay sa mga shark loan sa nakalipas na ilang buwan ay maaari na ngayong makakuha ng mga kapalit, ngunit kung mag-aaplay sila mismo sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs sa Maynila.
Sinabi ni Paul Saret, pinuno ng Philippine Consulate’s Assistance to Nationals Section sa Hong Kong, ang DFA ay nagsimula ng mag-isyu ng mga bagong pasaporte ngunit ang mga aplikante ay maaari lamang na i-secure ang mga ito sa pamamagitan ng pagpunta ng personal sa Office of Consular Affairs sa Mall of Asia sa Roxas Boulevard sa Maynila, iniulat ng sunwebhk.com.
Ang mga manggagawa ay hihilingin na pumirma ng isang deklarasyon na hindi na nila iwawala muli ang kanilang mga pasaporte o ang mapahamak ang karapatan na makakuha ng isang bagong dokumento sa paglalakbay sa hinaharap.
“Papayagan lang namin silang lumipad sa Maynila upang mag-apply ng pasaporte, pagkatapos ay ipapasa muli sa kanilang pagbalik sa Hong Kong sa petsa ng pagpapalaya,” sabi ni Saret.
Ang proseso ng pagpapalit ay aabutin ng isang linggo.
Ang matibay na tindig ng konsulado ay pinagtibay dahil sa paulit ulit na suliranin ng mga Filipino domestic worker na nawawala ang kanilang mga pasaporte dahil sa shark lending.
Sa pinakahuling kaso, 300 na mga pasaporte ng Pilipinas ang kinuha ng pulisya ng Hong Kong mula sa isang lalaki sa North Point na natagpuang nagpapahiram ng pera sa mga migranteng manggagawa na may 125% na interes, at siniguro ang mga pautang na may mga pasaporte at mga kontrata sa trabaho.
Marami ng mga borrowers sa mga kasong ito ang nagpahayag na nawala lamang ang kanilang mga pasaporte, kaya ang konsulado ay pinilit na gumawa sila ng affidavit of loss sa pulisya bago mag-aplay para sa bagong pasaporte. Ang ideya ay upang maging mas mahirap para sa kanila na makakuha ng mga bagong pasaporte upang itigil nila ang paggamit ng kanilang mga dokumento bilang collateral para sa mga pautang.
Ngunit nang hindi pa ito nabigo, nagpasya ang konsulado na iturn away ang mga nawalan ng pasaporte sa mga pagronda ng pulis, at sinabi sa kanila na direktang mag-aplay ng mga bago sa DFA sa Maynila.
Original: Filipino workers can replace seized passports only in Manila