About 150 Filipino minors were caught in Ninoy Aquino International Airport trying to leave the Philippines to work as domestic workers. Photo: Wikimedia Commons


Ang gobyerno ng Pilipinas ay nagbigay ng babala sa mga menor de edad na huwag pumatol sa mga illegal recruiters na nandadaya ng mga travel documents at nangangako ng trabaho sa ibang bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration, higit sa 28,000 mga Pilipino ang naging biktima ng human trafficking matapos silang ma-recruit illegally at naharang na umalis sa Pilipinas noong nakaraang taon. Ang mga naharang na 150 na biktima ay pawang mga menor de edad, iniulat ng GMA News.

Isa sa mga biktima, ang 16-taong-gulang na si Fatima, ay pinangakuan ng trabaho bilang isang domestic worker sa Saudi Arabia na may buwanang suweldo na PHP30,000 (US$573). nang siya ay papunta na sa Saudi Arabia, siya ay hinarang ng mga opisyal ng imigrasyon matapos matuklasan na ang kanyang mga travel documents ay peke.

Sinabi rin niya na dinala siya ng kanyang mga recruiters sa isang safe house kung saan siya ay sinanay kung paano kumilos at magsalita upang itago ang kanyang tunay na edad mula sa mga awtoridad.

Ang Philippine Overseas Employment Administration ay nagpapaalala sa mga Pilipinong nagnananis na mangibang bansa, na ang minimum age ay 23 taong gulang. Ang mga migranteng Pilipino ay pinapaalalahanan na maghanap lamang ng trabaho sa mga recruitment aganecy na kinikilala ng POEA.

Original: Illegal recruiters target minors to be migrant workers

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *