Isang 35-taong-gulang na negosyante sa Singapore ang nag-post online para sa isang mahusay at nakapag-aral na dayuhang domestic worker na maaaring mangasiwa sa mga tungkulin sa pag-aalaga ng bata at tungkulin sa pamilya pati na rin sa domestic work.
Pinost ng lalaki na si Lee noong nakaraang buwan sa pribadong page ng Facebook na “direct hire ng mga maid sa Singapore”, na nag-aalok ng suweldo na halos S $ 650- $ 850 (US $ 479- $ 626) para sa isang dayuhang domestic worker na maaaring magsagawa ng maraming tungkulin.
Ayon sa advertisement, si Lee ay nangangailangan ng isang tao na maaaring magsimula ng trabaho bago ang kalagitnaan ng Pebrero. Ang mga prospective na manggagawa ay dapat magkaroon ng bachelor’s degree o mataas na grado sa paaralan upang makapagbigay siya ng simpleng pagtuturo sa matematika at Ingles para sa kanyang primary one-aged na anak na babae.
Ang nais nilang empleyado ay inaasahang mahal ang pagluluto, handang matuto ng mga bagong putahe sa pamamagitan ng pagsunod sa mga resipe at upang isakatuparan ang mga tungkulin sa tahanan sa apartment ng pamilya na may 1,250-square-foot (116-square-meter).
Sa pakikipag-ugnayan ng Shin Min Daily reporter, ipinaliwanag ni Lee na Chinese Language lamanag ang gamit nila sa kanilang bahay at ang kanyang asawa’y hindi marunong mag-ingles. Ang may mahusay na pinag-aralan ng manggagawa ay itinuturing na angkop para sa kanila dahil ang manggagawa ay maaaring makatulong na mapabuti ang Ingles na kakayahan ng kanyang asawa at anak na babae.
Idinagdag ni Lee na ang mga requirements ay batay sa nakita niya sa isang domestic worker ng kanyang kamag-anak na mayroong bachelor’s degree, na pinagsasabay ang paggiging domestic worker pati na rin ang pagtuturo at pangangasiwa sa kanyang pamangkin.
Dalawang ahensya ng pagtatrabaho sa Singapore ang nagsabi sa pahayagan na habang hindi imposible, maaaring mahirap ma-secure ang isang manggagawa na maaaring tumupad sa mga kinakailangan ni Lee, dahil sa masigasig na internasyunal na kumpetisyon para sa mga may mataas na edukasyon na manggagawa.
Inaasahan din ang amo na magbayad ng mas mataas na suweldo at magtalaga ng mas maraming oras upang makahanap ng angkop na mga kandidato, idinagdag pa ng ahensya.
Sinabi ni Lee na walong babae ang tumugon sa kanyang advertisement. Kahit na ang dalawang kandidatong Pilipinong tumugon ay may bachelor’s degree, hindi sila angkop dahil ang hinahanap ng lalaki ay manggagawang may working permit na sa Singapore at nagnanais na lumipat sa ibang employer.
Original: Graduate sought to be domestic worker/tutor in Singapore