Isang Filipina domestic worker ang sinentensiyahan ng apat na linggo sa kulungan nonng Lunes sa Tuen Mun Magistrates Court matapos mamalo ng isang tatlong taong gulang na batang lalaki sa ilalim ng kanyang pangangalaga na nakunan naman ang nasabing insidente ng camera.
Si Eden Inabiohan, isang first-timer na manggagawa at single mom sa kanayang batang anak na lalaki ay nagkasala ng four counts dahil sa “ill-treatment of a child”, iniulat ng sunwebhk.com.
Hiniling ng isang abugado ng mababang hatol dahil wala namang injury ang bata matapos ma-examine ng mga doktor sa Tuen Mun Hospital.
Nagmamakaawang sinabi ng nasasakdal na siya ay nasanay sa buhay sa Pilipinas kung saan maaaring paluin ng mga magulang ang kanilang mga anak kapag sila ay hindi sumusunod.
Ipinaalala ng mahistrado na si Jacky Ip sa nasasakdal, na “Dito sa Hong Kong, kung saan ang pagpalo sa isang bata ay isang seryosong pagkakasala.” Ibinigay lamang niya ang karaniwang diskwento ng isang ikatlong iniresetang sentensiya para sa kanyang guilty plea.
Ang nasasakdal ay nagtatrabaho sa kanyang employer mula noong Pebrero nang nakaraang taon.
Noong Nobyembre 26, iniulat ng babaeng employer sa pulisya na ang kanyang anak ay pinalo ng domestic worker ng nakalipas na araw.
Sinuri ng mga imbestigador ang surveillance camera footage ng bahay ng employer at nakita na ang nasasakdal na pinalo ang kamay at pwetan ng bata, matapos noo’y pinalo niya ulit ang bata sa pwetan gamkt ang walis ng hindi sya nakapagtimpi’t marinig niya na ang batang lalaki na nagmura pagkatapos niya itong pagsabihan ng magkalat ang pagkain nito.
Original: Filipina domestic worker jailed four weeks for abusing boy