Abu Dhabi, UAE. Photo: Wikimedia Commons
Abu Dhabi, UAE. Photo: Wikimedia Commons


Isang Filipina sa United Arab Emirates ang binigyan ng pagkakataon upang mabayaran ang kaniyang utang matapos mabigyan ng visa sa ilalim ng amnesty program ng bansa.

Sinubukan manirahan ng ilegal ng Filipina sa UAE sa loob ng walong taon dahil nag-expire na ang kaniyang visa. Noong mga oras na iyon, nawalan siya ng trabaho at nagkautang ng higit sa 190,000 dirhams (2.7million) matapos tumalbog ang kaniyang cheke at makulong, iniulat ng Khaleej Times.

Ayon kay Fatma Abdulrahim Obaid, ang head ng Human Rights Section sa Abu Dhabi Judicial Department, ang 43-anyos na Filipina ay mayroon din travel ban dahil sa kaniyang mga kaso.

“Lumapit siya sa amin na umiiiyak. Ginugol niya ang halos 8 taon sa bansa nang walang trabaho. Hindi siya makaalis ng bansa dahil sa kaniyang travel ban at hindi rin makapag-bayad ng utang dahil sa cheke niyang tumalbog,” pahayag ni Obaid.

Sinabi ni Obaid na tinulungan ng human rights department ang Filipina upang masuspinde panandalian ang kaniyang warrant of arrest, na nagbigay-daan upang makapag-apply siya ng visa para makahanap ng trabaho at makapagbayad ng utang.

“Natulungan namin siyang makuha ang panandaliang 6 na buwan na visa sa iallim ng programa ng amnestiya at ngayon ay namumuhay na siyang masaya at malaya sa bansa habang siya ay naghahanap ng trabaho,” pahayag niya.

Original: Filipina in UAE given visa to help repay $52,000 debt