Riyadh, Saudi Arabia. Photo: iStock
Riyadh, Saudi Arabia. Photo: iStock


Inaasahang mas madaming kukunin ang bansang Saudi Arabia na mga medical personnel, karamihan ay nurses, mula sa Indonesia.

Sinabi ni Saad Al Badah, ang direktor ng Saudi Manpower Solutions (SMASCO) sa isang statement na ang mga Indonesian na nurses ay mas lalamang sa mga nurses na galling sa Pilipinas sa taong 2023, iniulat ng Antara News. Sa ngayon, karamihan sa mga dayuhang nurse sa Saudi ay mga Filipino.

Ang SMASCO ang nagpadala ng higit sa 90,000 na mga manggagawa mula sa ibang bansa papuntang Saudi Arabia.

Isang Indonesian company, ang Global Alwakil Indonesia (GAI), na nasa human resources field, ang pumirma ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang SMASCO upang magpadala pa ng mas maraming medical personnel sa Saudi Arabia simula sa susunod na taon.

Nilalayon din ng Global Alwakil Indonesia na makabuo ng isang protection system para sa mga migranteng manggagawa.

Bukod sa mga nurses, kailangan din ng Saudi Arabia ng mga manggagawa para sa sektor ng hospitality sa mga hotel.

Malaking bilang ng mga Indonesian ang bumibisita sa Saudi Arabia kada taon, na siyang naging dahilan upang mangailangan ng mga manggagawa sa sektor ng hospitality na siyang nakakaintindi ng mga dayo mula Indonesia at mas may nakaka-alam kung paano sila asiaksuhin.

Original: Indonesia to send more nurses to Saudi Arabia