Isang malaking pamilya sa Saudi Arabia ang namaalam sa isang domestic worker na namasukan sa kanila ng halos 35 taon.
Kita sa isang video sa Twitter ang mga henerasyon ng pamilyang Awaad Khudair Al Shemmari na nakapila upang batiin ang domestic worker na si Meedo Babu, iniulat ng StepFeed.
Hindi binanggit ng report kung ano ang nasyonalidad o edad ng domestic worker.
Ipinost ng lokal na manunulat at mamamayahag na si Motab Al Awwd ang video, at agad itong pumukaw sa mga puso ng mga netizens.
“Ito ay isang tunay na representasiyon ng Islam”, sinabi ni Al Awwd sa kaniyang tweet.
Hinangaan ang pamilya sa internet sa kanilang mabuting kalooban at sinabing dapat na mas marami pang tao ang gumawa ng ganitong mabubuting pagtrato ng may respeto sa kanilang mga domestic worker.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ang isang pamilya mula sa Saudi ay nagparating ng kanilang pasasalamat sa isang domestic worker. Nag-viral din ang tweet ng isang lalaking taga-Saudi matapos niyang ipakita ang pasasalamat at pamamaalam sa isang Filipinong domestic worker na nagtrabaho sa kaniyang pamilya ng halos 29 na taon at tumulong sa pagpapalaki sa kaniya.
Original: Saudi family throw lavish farewell party for domestic worker
????????????????❤️❤️❤️
????????????????❤️❤️❤️