Sinabi ng isang na-deport na OFW na nawala ang kaniyang pera, at iba pang mga mamahaling mga kagamitan sa kaniyang check-in luggage nang dumating siya sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia noong nakaraang buwan.
Si Andrew Montes, na na-deport mula sa Saudi Arabia, at dumating sa Pilipinas noong November 17, ay nagpahayag sa isang Facebook post na inutusan siya ng immigration personnel sa Jeddah na i-check-in ang lahat ng kaniyang gamit dahil hindi siya pwede umanong magbitbit ng kahit anong kagamitan niya sa eroplano, iniulat ng GMA News.
Matapos lumapag sa Manila, nagulat na lamang si Montes na nawawala na ang kaniyang cellphone, 3,000 riyals (PHP42,000) at ilang mga alahas mula sa kaniyang bagahe. Sinabi ni Montes na hindi siya sigurado kung nanakaw ba ang mga ito sa Jeddah o sa NAIA.
Ipinahayag na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sila’y nakipag-ugnayan na sa ground handler ng Saudi Airlines at wala silang nakita na kahit anong basehan ng mga alegasyon ni Montes.
“Napag-alamang ang footage na kuha mula sa mga body camera ng kanilang mga ramp agent ay wala namang nakitang kakaiba sa mga pagmi-mishandle ng mga bagahe”, sinabi ng MIAA.
Nagsampa na ng reklamo si Montes laban sa mga Saudi Airlines representative sa NAIA, na nangakong babayaran ng airline ang kaniyang mga nawalang mga gamit. Ngunit, nakatanggap si Montes ng email mula sa Saudi, na nagsasabing hindi mananagot ang airline sa kahit anong nawalang mga gamit.
Galing din po ako na deport. 3mnths ako na hold ng immigration dubai. Galing po ako ng singapore papuntang dubai pero nag stop over po ako sa guangzhou china ng isat kalahating oras para po sa sunod na flight ppntang dubai.na hold po ako doon. Sa kalaunan po ang gamit ko hanggang ngayon wala pa po balita kung nasaan na.kasu po nakikita sa system na ibinalik nila isakay sa China Southern Airlines noong sept.14/2018.. galing na po ako sa office ng China Southern Airlines dito sa pinas at wala pa dw po response ang Guangzhou China..ano po ba dapat kong gwin para po makuha ko ang luggage ko..