Napatunayang nagkasala ang tatlong pulis sa Pilipinas sa pagpatay sa anak ng isang OFW noong Huwebes, na pinaghinalaan nilang nagtutulak ng droga.
Noong Agosto 2017, kinaladkad ng mga pulis ang isang 17-anyos na si Kian Delos Santos sa isang madilim na eskinita malapit sa bahay nito sa Caloocan City, kung saan nila ito binaril. Ipinaratang ng mga pulis na nagpaputok si Delos Santos sa kanila habang ito’y nagpupumiglas, iniulat ng ABS-CBN News.
Sinabi naman ng ilang mga saksi na inabutan ng mga pulis si Delos Santos ng baril at sinabi ditong tumakbo bago nila ito paputukan. Nabaril si Delos Santos sa ulo habang siya’y nakaluhod at nakabaling ang tingin sa mga pulis.
Itinanggi ng pamilya ni Delos Santos ang mga paratang na siya’y nagtutulak ng droga.
Noong Huwebes sa Caloocan Regional Trial court, napatunayang nagkasala sila Arnel Oares, Jerwin Cruz, at Jeremias Pereda sa pagpatay kay Delos Santos at sinentensiyahan ng ‘di hihigit sa 40 taong pagkakakulong, o “reclusion perpetua”, na ang ibig sabihin ay habang buhay na pagkakakulong.
Original: Police found guilty of murdering migrant worker’s son