Ang mga bansang Croatia at Slovakia ay mayroong aabot sa 1,600 bakante para sa mga Filipinong manggagawa sa sektor ng turismo at hospitality. Ayon kay Elsa Villa, ang presidente ng Philippine Association of Service Exporters, Inc (Pasei), ang dalawang bansa sa Europa ay nangangailangan ng mga manggagawa dahil sa maliit na bilang ng kanilang populasyon, iniulat ng ABS-CBN news.
Sinabi ng presidente ng Pasei na ang bansang Croatia ay nangangailangan ng higit ng nasa 1,000 manggagawa habang ang bansang Slovakia naman ay nasa 600 mga manggagawa ang kinakailangan. Ang ekonomiya ng dalawang bansa ay naka-depende sa sektor ng turismo at mas marami pang manggaagawa ang kinakailangan naman sa industriya ng hospitality. Ang panimulang sweldo ay aabot sa US$800 hanggang US$1,000 (PHP41,000 hanggang PHP52,000) at bibigyan naman ng overtime ang mga manggagawang lalagpas sa kanilang normal na oras ng trabaho.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), wala pang kasunduan sa gitna ng Pilipinas at Croatia at Slovakia, ngunit maaari naman nang magpunta ang mga Filipino sa mga nasabing bansa hangga’t ito ay sumailalim sa legal na proseso.
Pinayuhan ang mga Filipinong naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan sa POEA upang maiwasang mabiktima ng mga illegal recruiters at human trafficking.
Original: Filipinos needed to work in Croatia and Slovakia