Siberian tiger. Photo: iStock.
Siberian tiger. Photo: iStock.


Iniulat ng matagal nang camera trap study na namataan nila ang mga Siberian tigers sa kabundukan, 3,630 meters above sea level sa Arunachal Pradesh sa dulong hilaga-silangan ng India.

Ipinahayag ni Aisho Sharma Adhikarimayum, isang scientist sa Wildlife Institute of India, na posibleng mayroon pang mga tigre sa matataas na lugar ng kabundukan ng Dibang Valley, iniulat ng Times of india. Ang pahayag ng mga dalubhasa na ito ay sumasalamin sa kanilang naitalang record noong 2012, kung saan nakakita sila ng tigre, 4,200 meters sa Bhutan.

Sumang-ayon ang ilang eksperto kay Adhikarimayum. Sinabi rin ng isang conservationist na si Anwaruddin Choudhury, na siyang nagpatunay sa iba pang mga ulat ukol sa mga wildlife sa Dibang Valley,  na may posibilidad na mabuhay ang mga tigre sa ganoong kataas na lugar.

Maaaring normal na impormasyon lamang ito sa iba, ngunit napaka-importante nito para sa mga eksperto sa kanilang pag-aaral ukol sa mga tigre. Maraming ulat na nagsasabi na namataan nila ang mga tigre sa taas na 4,000 meters, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang ebidensiyang sumusuporta dito.

Ang pag-aaral na ito ay sinimulan noong 2015 hanggang 2017 sa loob ng 336-square kilometer sa Dibang Wildlife Sanctuary. Ayon sa pag-aaral, nalaman na mayroong 11 tigre pang nabubuhay, dalawa dito ay mga batang tigre.

Original: Endangered Siberian tigers spotted high in Indian mountains