Filipino nurse Ridel Francisco was named Nurse of the Year at this year's Barchester Care Awards in the United Kingdom. Photo: Philippine Department of Foreign Affairs
Filipino nurse Ridel Francisco was named Nurse of the Year at this year's Barchester Care Awards in the United Kingdom. Photo: Philippine Department of Foreign Affairs

Pinarangalan ang Filipino ng titulong Nurse of the Year sa 2018 Barchester Care Awards sa United Kingdom.

Nanalo si Ridel Francisco, na nagtatrabaho sa Lynde House sa Richmond, London, ng natatanging parangal matapos niyang matalo ang iba pang 1,500 na mga nominees sa buong UK, sinabi ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas sa isang statement.

“Lubos akong nagagalak sa pagtanggap ng parangal na ito”, ang sabi ni Francisco.

Kinikilala ng awards ceremony ang mga staff at mga volunteer na mas nagpupursigi sa pag-aalaga sa mga residente at mga pasyente na naninirahan sa mga care homes at sa mga mental health hospital.

Ayon sa Barchester’s Director of Nursing na si Julia Atherton, ang isa sa  mga hurado para sa Nurse of the Year category, na napanalunan ni Franciso ang parangal dahil sa kaniyang pagiging masigasig at matataas na standards na itinatalaga niya sa kaniyang trabaho.

Ayon sa kaniya, si Francisco ay “always learning and improving, but never short of time for any resident in his care”.

Sinabi ng ambassador sa London na si Antonio M. Lagdameo na ang pagkilala kay Francisco ay magpapatunay lamang na ang mga Filipinong nurse ang pinakamahusay sa buong mundo.

“Pinapahalagahan ang mga Filipino sa buong mundo para sa kanilang pagiging mapagbigay at pagiging committed sa kanilang klase ng serbisyo na ipinaparating sa ibang tao”, sinabi ni Lagdameo.

Original: Filipino named UK Nurse of the Year